CHR nababahala kaugnay sa mandatory drug testing ng CHED sa kolehiyo

Ikinababahala umano ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagpapatupad ng mandatory drug testing para sa admission at retention policies sa mga estudyante sa kolehiyo.

Sinabi ni CHR Spokesperson Atty. Jacqueline De Guia, bagamat kinikilala ng komisyon ang intensyon ng Commission on Higher Education (CHED) na gawing drug free ang mga kolehiyo at pamantasan, dapat ay maging maingat ito sa pamamaraan ng pagpapatupad nito.

Ayon kay De Guia, may pakialam ang ahensya sakaling makita nila na ipinasasalo sa isang partikular na sektor ang bigat ng hamon ng “war on drugs” sa halip na ang mga ito ay maprotektahan.

Sa halip na kondenahin, responsibilidad ng education institutions na gabayan ang mga estudyante na magbago at iwasan ang droga.

Posted by Commission on Human Rights of the Philippines on Thursday, November 15, 2018

 

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.