CHR, nanawagan sa gobyerno na tiyakin ang seguridad sa naarestong si Satur Ocampo

Tiniyak ng Commission on Human Rights (CHR) na imo-monitor nito ang kaso ng grupo ni dating Bayan Muna Partylist Representative Satur Ocampo matapos maaresto sa Talaingod, Davao del Norte kamakailan.

Katunayan nagpadala na ng Quick Reaction Team ang CHR sa Talaingod para magsagawa din ng hiwalay na imbestigasyon.

Nanawagan na rin si CHR Chairperson Chito Gascon sa Duterte administration na tiyakin ang seguridad nina Ocampo at mga kasamahan nito habang nasa kustodiya ng pulisya.

Tiwala ito na malulusutan nila ang mga kasong isinampa laban sa kanila at naniniwala din na pawang mga kabaluktutan ang mga kaso na isinampa laban sa mga miyembro ng Solidarity Mission.

Batid daw ng CHR na kabutihan at kagalingan ng mga Lumad lamang ang intensyon ng grupo ni Ocampo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.