CHR, pinaiimbestigahan na ang kaso ng pagkamatay ng bodyguard ni Atty Glenn Chong

Nais ng Commission on Human Rights (CHR) ng malalimang pagsiyasat sa pagkamatay ni Richard Santillan, bodyguard ni dating Biliran Representative Glenn Chong.

Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, nakakalungkot ang pagkamatay ni Santillan lalo na at maraming katanungan sa sirkumstansya ng naging palitan ng putok sa pagitan ng biktima at mga pulis.

Kaya hinihimok umano ng CHR ang gobyerno na imbestigahan ito alang-alang sa katotohanan, at papanagutin ang may sala kung meron mang pagkakakamali o iregularidad na nagresulta sa pagkitil ng karapatang mabuhay.

Ayon pa kay de Guia, ang CHR-Region IV-A ay nag-dispatch na rin ng isang Quick Response Team upang tumulong sa layuning ito.

Statement of CHR spokesperson, Atty Jacqueline Ann de Guia, on the case of Richard Santillan

The death of Richard Santillan, bodyguard of former Biliran representative Glenn Chong, is unfortunate, especially that it is laced with questions on the circumstances of the crossfire that ensued between the police and Santillan. The Commission on Human Rights urges the government to investigate in the interest of the truth and making perpetrators possibly accountable should there be any lapses or irregularities resulting in the curtailment of the right to life. CHR-Region IV A has already dispatched a Quick Response Team to aid in this purpose.

Sa panig ni Chong, ang kanyang aide ay di umano’y tinambangan ng mga pulis bandang alas-2 ng madaling-araw nitong Disyembre 10 sa Cainta, Rizal base sa video na kanya umanong nakuha.

 

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.