CHR tutol sa extension ng Martial Law sa Mindanao

Hindi kumbinsido ang Commission on Human Rights (CHR) na may pangangailangan na muling mapalawig ang umiiral na Martial Law sa Mindanao.

inabi ni CHR Chairperson Chito Gascon, na simula sa unang pagpapatupad ng Batas Militar hanggang sa unang extension ay tumutol na sila at aniya hindi nagbabago ang kanilang posisyon.

Sinabi nito na sapat naman ang kapangyarihan ni Pangulong Rodrigo Duterte para supilin ang anumang banta ng karahasan sa Mindanao.

Pagdidiin ni Gascon, dapat ay magbigay ng matibay na pruweba ang AFP na may matinding banta ng terorismo sa Mindanao.

“Maganda na ipaliwanag nila ang threats na ‘yan… Malinaw sinabi ng Saligang Batas that Martial Law can be imposed in situations of actual invasion and rebellion, hindi po kasama ang imminent threat thereof,” sabi pa ni Gascon.

Unang sinabi ni AFP Chief of Staff General Carlito Galvez na matindi ang panawagan para mapahaba muli ang pagpapairal sa Martial Law dahil sa banta ng terorismo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.