Christine Dacera inakalang naka-quarantine kaya agad inembalsamo – NCRPO Chief

Inakalang naka-quarantine sa hotel sa Makati ang nasawing flight attendant na si Christine Dacera kaya agad na inembalsamo nang matagpuang patay, batay sa hepe ng National Capital Region Police Office.

Iginiit ni Police Brigadier General Vicente Danao Jr. na may bagong polisiya kaugnay rito.

“Pandemic po tayo ngayon. We have a policy na nag-sasabi, especially pagka probable or suspected victim ka or the cause of death might be [of] COVID, ang policy pala diyan is mauna ‘yung embalming bago ‘yung autopsy,” lahad ni Danao.

“It is a quarantine facility, okay? So it is presumed na kapag nandoon ka ay baka nagkwa-quarantine ka.”

“‘Yun po ang hindi ko alam. That is always their right as the family of the ano, no, victim. They could always recommend over that and it is now up to the higher authorities to act on it, no?” punto ni Danao.

Nauna ngang sinabi ng kapulisan na rape umano ito taliwas sa lumabas sa awtopsiya na ruptured aneurysm.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.