City gov’t of Davao, naglabas ng larawan ng motorcycle pillion na maaaring gamitin ng Angkas sa lungsod

Naglabas ang lokal na pamahalaan ng Davao ng larawan ng motorcycle pillion o magiging barrier ng rider at angkas nito na maaaring gamitin sa lungsod.

Ito ay base sa inilabas na Memorandum Order ng Philippine National Police (PNP) kung saan pinapayagan na ang angkas para sa mga mag-asawa bilang sagot sa hinaing ng publiko hinggil sa problema sa transportasyon sa kasagsagan ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Sa Memorandum Order 017-2020 na nilagdaan ni Mayor Sara Duterte, pinapayagan na ang angkas ngunit kailangang magsuot ang mga sakay nito ng face mask, helmet, at barrier.

Nakasaad din sa Memo na hindi na mahalaga ang relasyon ng driver at pasahero dahil pareho lamang umano ang requirements na kakailanganin para sa mga unrelated individual.

Hinikayat ng pamahalaang lungsod ang paggamit ng barrier kung saan ay maaari itong suotin ng mga driver na kagaya ng backpacks.

Ang nasabing barrier ay kailangang nahaharangan ang leeg ng driver ngunit hindi naman sosobra ang taas sa ulo nito.

Una nang sinabi ng alkalde na gagawa ito ng alternative na disenyo ng barrier mula sa prototype na disenyo ni Bohol Governor Arthur Yap na hindi magiging mabigat para sa mga riders.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.