Clinical trials sa lagundi, tawa-tawa, at virgin coconut oil bilang panggamot sa COVID-19, malapit nang matapos

Patuloy ang pag-usad ng clinical trials sa mga gamot kontra COVID-19 na dine-develop ng Filipino researchers.

Ayon kay Dr. Jaime Montoya, executive director ng Philippine Council for Health Research and Development ng Department of Science and Technology (DOST), nakumpleto na ang clinical trials sa Lagundi.

Umaabot na aniya sa ngayon sa 203 ang participants sa nasabing clinical trial. Habang ang pagtutuklas sa tawa-tawa ay matatapos na sa July ng taong ito.

Ang lagundi at tawa-tawa ay kapwa anti-thrombocytopenic o nakakapagpataas ng blood platelet bukod sa anti-viral at anti-inflammatory.

Patuloy din aniya ang pag-aaral ng Filipino experts sa efficacy ng convalescent plasma at melatonin na siyang ginagamit na ngayon na gamot sa COVID-19 patients.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.