COA paiimbestigahan ang CHR dahil sa pagbili ng mga airline tickets

Paiimbestigahan ng Commission on Audit ang kwestyonableng pagbili ng Commission on Human Rights (CHR) ng airline tickets para sa mga opisyal at empleyado nito sa nakalipas na tatlong taon.

Sa 2019 annual audit report ng CHR, sinabi ng COA na hindi naprotektahan ang ‘best interest’ ng gobyerno sa patuloy na pagbili ng human rights ng airline tickets sa isang “favored travel agent”.

Sa datos, gumastos ang CHR ng P6,891,436.21 sa airline tickets sa nakalipas na tatlong taon mula sa Konail Travel and Tours kung saan ang deal ay hindi sakop ng kontrata.

Nakita rin ito ang pagbili ng plane tickets para sa 165 travels na walang kompromiso sa Annual Procurement Plan ng CHR.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.