Coast Guard Law ng China, dapat seryosohin ng Pilipinas -Sen Hontiveros

Nanawagan si Senator Risa Hontiveros sa Department of National Defense (DND), na seryosohin ang Coast Guard Law ng China.

Ginawa ng senator, ang naturang pahayag matapos sabihin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, na hindi maaapektuhan ng Chinese law na ito ang ating mga kababayang mangingisda, dahil hindi naman sila armado

Ayon kay Hontiveros, dapat ay pagtuunan ng pansin ng Pilipinas ang pagpapatupad ng ating mga batas sa ating sariling teritoryo, dahil ipapatupad rin ng China ang kanilang sariling batas kung paano nila ito gusto at nauunawaan.

Dapat aniyang palakasin ng Pilipinas ang ating hakbang, para maprotektahan ang kabuhayan at economic interests ng ating mga kababayan sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Hontiveros, na bagamat welcome sa kanya ang pangako ni Lorenzana na patuloy ang magiging pagpa-patrol ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard, para maprotektahan ang mga Pilipinong mangingisda sa pinag-aagawang teritoryo…dapat aniya ay makinig at maniwala na ang DND sa mga hinaing at sumbong ng ating mga fisherfolk.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.