Convicted ex-Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez pumanaw na

Pumanaw na si dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez na nakulong sa salang panggagahasa at pagpatay ayon Bureau of Corrections (BuCor).

Ayon kay BuCor spokesman Gabriel Chaclag idineklarang dead on arrival si Sanchez nang isugod sa New Bilibid Prison Hospital.

Aniya dakong alas-7 ng umaga nang makita si Sanchez na walang malay sa selda nito.

Nakatakdang i-autopsy ang labi nito dahil sa biglaang pagkamatay.

Matatandaang nahatulan ng reclusion perpetua o hanggang 40 taong pagkakakulong si Sanchez sa salang panggagaha at pagpatay sa estudyante ng University of the Philippines – Los Banos na si Eileen Sarmenta at sa nobyo nitong si Allan Gomez noong 1993.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.