convicted rapist at murderer Antonio Sanchez sinugod sa ospital

Kinumpirma ng Bureau of Corrections na dinala sa kanilang ospital ang convicted rapist at murderer na si Antonio Sanchez matapos itong magkaroon ng sintomas ng COVID19.

Ayon kay BuCor spokesman Gabriel Chaclag, sinugod sa Ospital ng Muntinlupa si Sanchez para mapatingnan, ngunit hindi ito tinanggap ng naturang pasilidad at nilipat sa New Bilibid Prison hospital.

Saad ng tagapagsalita, tinanggihan ng Ospital ng Muntinlupa si Sanchez dahil kulang na sila ng kwarto para sa posibleng COVID-19 patient.

Nagkaroon umano ng flu-like symptom si Sanchez, dagdag pa ang kahirapan sa paghinga.

Si Sanchez ay hinatulang guilty sa paggahasa at pag-rape sa UP student na si Eileen Sarmenta, at kaibigan nitong si Allan Gomez.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.