Court of Appeals nanindigan sa pagtutol sa US trip ni Maria Ressa

Nanindigan ang Court of Appeals (CA) sa pagtutol na makaalis si Rappler CEO Maria Ressa patungong United States kaugnay sa kinakaharap nitong kasong cyber libel.

Sa resolution na itinakda noong August 20, itinanggi ng Special 14th Division ang motion fot reconsideration ni Ressa na makadalo ng mga event sa US.

Batay sa korte, bigo si Ressa na mapatunayang ang kanyang paglalakbay sa United States of America at ang pisikal na presensya ay lubos na kailangan.

“To reiterate, videoconferencing may allow her to participate in the events without leaving the Philippines,” saad ng korte.

Maaalalang kasama ni Ressa ang dating Rappler researcher na si Reynaldo Santos Jr. na ngayon ay malaya nang mag-bail sa hatol na cyber libel.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.