COVID-19 Vaccination Program Act of 2021, pirmado na ni Pangulong Duterte

Isa nang ganap na batas ang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021, o ang batas na layong pabilisin ang vaccine procurement, administration process, at pagtatalaga ng pondong kakailanganin sa vaccination program ng pamahalaan.

Sa ilalim ng batas na ito, nakapaloob ang indemnity fund na layong mag-compensate sa mga indibidwal na makararanas ng severe side effect matapos maturukan ng COVID vaccines.

Nilalaman rin ng batas ang pagpayag sa mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor na bumili ng bakuna sa pamamagitan ng multi-party agreement, katuwang ang national government at vaccine manufacturers.

Pinapayagan rin dito ang advance payment ng local government units (LGUs).

Binibigyang eksempsyon din ng batas ang mga LGUs mula sa ilang probisyon ng mga kasalukuyang procurement laws, upang matiyak ang mabilis na procurement at epektibong pagtuturok ng bakuna.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, committed ang pamahalaan sa paglaban sa COVID-19 pandemic, at ginagawa ng gobyerno ang lahat ng paraan upang maumpisahan na ang pagbabakuna.

“Indeed, we remain committed in our fight against the coronavirus pandemic and we are using necessary means, such as the enactment of this Republic Act, certified urgent by the President, as a way to start our vaccine rollout.” pahayag ni Secretary Roque.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.