COVID vaccine darating sa Pilipinas sa Q2 ng 2021

Inaasahang darating sa ikalawang kwarter ng 2021 sa Pilipinas ang bakuna laban sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ayon kay Dr. Jaime Montoya, executive director ng Philippine Council for Health Research and Development, umaasa sila na may bakunang darating sa Disyembre.

“Base sa nalalaman namin at sa mga datos na available, hindi po yata, kung Pilipinas ang pag-uusapan, sa Pilipinas magkakaroon ng bakuna by December, mukhang sa ngayon po ay malabo po ‘yun na mangyari,” aniya sa isang panayam.

“Ang nakikita po naming mangyari, kung sa Pilipinas ang pag-uusapan, ang pinakamaaga na magkakaroon tayo ng bakuna na puwede ng gamitin, na naaprubahan na ng FDA (Food and Drug Administration), ay second quarter of next year,” lahad pa ni Montoya.

Kasalukuyang wala pang aprubadong gamot o bakuna laban sa COVID-19.

Sa ulat, tinatayang magkakahalaga ang COVID-19 vaccine ng P500 hanggang P1,000 kada turok.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.