CPP-NPA-NDFP, idineklarang ‘persona non grata’ ng 1,546 LGUs

Maliwanag pa umano sa sikat ng araw na isinusuka na ng sambayanang Pilipino ang walang katuturang paghahasik ng takot at kaguluhan ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front of the Philippines (CPP-NPA-NDFP) kasama na ang mga front organizations nito. 

Ito ang mariing pahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año kasunod ng pagkundena at pormal na pagdedeklara bilang ‘persona non grata’ sa CPP-NPA-NDFP ng 1,546 na lokal na pamahalaan sa buong bansa.

Itinuturing ni Secretary Año na isa ring heneral at dating pinuno ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hudyat na ito ng malapit nang pagtatapos ng mahigit 50-taong pagsira ng CPP-NPA sa buhay, ari-arian at kinabukasan ng mga Pilipino lalo na ng mga kabataan. 

Sa ngayon, mula sa kabuuang 1,715 na LGUs nationwide, 64 na probinsya, 110 lungsod, at 1,372 munisipalidad na ang naglabas ng kanya-kanyang resolusyon na nagdedeklarang ‘persona non grata’ ang communist terrorist groups.

Kasabay daw ng sama-samang paglaban sa COVID-19 pandemic, sumapit na rin ang takdang panahon para wakasan ang napakatagal nang problemang dulot ng insurgency sa pamamagitan ng pagkakaisa ng buong bansa. SEARCH

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.