Crime statistics sa Mindanao, unti-unti nang bumababa

Unti-unti nang bumababa ang crime incidence sa Mindanao

Ito ang magandang balita na ibinahagi ni Police Colonel Eduardo Abaday sa isinagawang virtual meeting ng House Committee on Mindanao Affairs.

Ayon kay Abaday, malaking tulong dito ang pina-igting na government operations kontra kriminalidad at terorismo.

Batay sa iprinisenta nilang datos, mula January hanggang July 2020 ay nakapagtala lamang ng 28, 647 crime volume o katumbas ng 12.3% na pagbaba mula sa 32,659 na naitala noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.

Patuloy naman aniya ang kanilang pagtutok sa mga terrorist group katuwang ang military.

Kabilang aniya dito ang Maute Group sa Lanao del Sur at Lanao del Norte na mayroong 42 active members.

Ipinunto naman ni Mindanao Development Authority (MinDA) Chairman Manny Piñol ang malaking tulong ng civilian participation sa pagkamit ng peace and order sa Mindanao.

Katunayan bahagi ito ng kanyang inilatag na Peace, Productivity, and Poverty Reduction Framework Plan para sa pangkabuuang pag-unlad at pagkamit ng peace and order sa rehiyon ng Mindanao.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.