CSC Comm. Lizada, ibinulgar ang umano’y pagbabawal sa paglalabas ng impormasyon kaugnay sa PhilHealth

Ibinunyag ni Civil Service Commission (CSC) Commissioner Atty. Aileen Lizada na mayroon aniyang direktiba mula kay CSC Chair Alicia Bala na huwag magbigay ng ano mang impormasyon na may kinalaman sa PhilHealth sa isinasagawang pagdinig ng Kamara.

Sa pagpapatuloy ng imbetigasyon ng Kamara sa mga anomalya sa PhilHealth, natanong ni House Committee on Public Accounts Chair Mike Defensor si Lizada kung totoo bang mayroong pag-supress o pagpigil sa pagbabahagi ng CSC ng impormasyon na may kaugnayan sa mga kaso sa PhilHealth sa komite.

Ayon kay Lizada, matapos na lumabas ang memorandum ng Pangulo patungkol sa PhilHealth ay agad silang nagpulong at doon umano sinabi ni Chairperson Bala na huwag maglalabas ng kahit anong impormasyon tungkol sa PhilHealth cases.

Katunayan, hindi aniya niya inaprubahan ang minutes ng naturang pulong dahil iba ito sa recording ng meeting at ipinag-utos na itama ito.

Pinasinungalingan naman ito ni CSC Asst. Commissioner Ariel Ronquillo at sinabing ang direktiba ni Bala ay huwag tanging sa publiko lamang hindi dapat ilabas ang impormasyon ngunit ibahagi ito sa mga imbestigasyong isinasagawa.

Dahil naman dito ay inaprubahan ng komite ang mosyon na imbitahan si CSC Chair Bala upang mapakinggan din naman ang kanyang panig.

May mosyon din na inaprubahan para isumite ang recording at transcription ng pulong.

At sakaling mapatunayan na may nagsisinungaling ay i-cite ito in contempt.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.