Curfew, gustong gawing permanente ng JTF-COVID Shield

Umaasa ang Joint Task Force COVID Shield na magiging permanente na ang pagpapatupad ng curfew kahit tapos na ang pandemya.

Ayon kay Philippine National Police Deputy Chief for Administration at Joint Task Force COVID Shield Commander PLt. Gen. Guillermo Eleazar, mas magiging epektibo ang kampaniya kontra krimen ng PNP kung magtutuloy – tuloy ang pagpapatupad ng curfew sa bansa.

Ito’y matpos makita sa datos na bumaba ng halos 50% ang antas ng Krimen sa buong bansa mula ng magpatupad ng curfew sa ilalim ng umiiral na Community Quarantine dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Eleazar, dahil sa curfew ay natuturuan ng disiplina ang mga mamamayan partikular ang kabataan.

Sakaling matapos na aniya ang pandemya, sinabi ni Eleazar na maganda rin kung mapananatili pa rin ang curfew lalong lalo na sa kanilang kampaniya kontra iligal na droga.

Pero nasa kamay pa rin naman aniya ng Pangulo iba’t ibang local chief executive ang pag-“institutionalize” ng curfew.SEARCH

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.