Curfew hours sa Metro Manila, magsisimula na sa Lunes March 15

Magsisimula na sa Lunes, Marso 15 ang uniform na curfew hours sa Metro Manila.

Ito’y matapos magkasundo ang mga alkalde ng Metro Manila na i-adopt ang curfew na 10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga sa loob ng dalawang linggo.

Bunsod pa rin ito ng patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region.

Pinangunahan ni ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benjamin Abalos ang naturang pagpupulong ng mga Metro Mayor.

Nakiisa rin ang independent group na Octa research para ibahagi ang sitwasyon ng pandemya at nagbigay din ng gabay para sa mga kinakailangang pagbabago sa umiiral na polisiya laban sa sakit.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.