Daan-daang youth leaders, hinikayat ni Bong Go na suportahan ang lahat ng agenda ng Duterte Administration

Watch the video here:

Hinimok ng dating top aide ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kabataang lider, na mariing suportahan ang agenda ng administrasyon dahil ito ay patungo sa ligtas at progresong bansa.

Ito ang sinabi ni Go sa harap ng daan-daang youth leaders sa 12th National Youth Parliament, na ginanap sa Waterfront Hotel, Davao City.

“Ang kabataan ay pag-asa ng bayan,” ayon pa kay Go, kasabay ng panawagan sa mga kabataan na tulungan si Pangulong Duterte sa kampanya nito laban sa iligal na droga, korapsyon at krimen.

Ang National Youth Parliament ay isang pagtitipon ng mga prominenteng youth leaders na pinili ng National Youth Commission (NYC).

Layunin ng pagtitipon na makabuo ng legislative policies upang mahikayat ang mga mambabatas sa pagsasagawa ng mga batas at programa para sa kapakanan ng mga kabataan.

Bilang mga lider sa sektor ng kabataan sinabi ni Go, na dapat umanong tumulong ang mga kabataan sa pagkumbinse sa kanilang mga kasamahan na iwasan ang iligal na droga.

Dagdag pa ni Go, na kung papalarin sa kanyang senate bid, nangako ito na tutulong sa youth sector sa pamamagitan ng sports development programs, ganon rin sa skills at entrepreneurship training.

Masaya umano ito na nakikita ang mga kabataang lider na nagtitipon-tipon para sa kinakailangang tools, knowledge at skills sa advocacy at policy-making, malaking tulong aniya ito sa pagtupad ng kanilang tungkulin bilang Sangguniang Kabataan leaders.

Sa panayam ng media kay Go, umaasa ito na makakapagpalabas at makakagawa ng mga polisiya at programa ang mga young parliamentarians, na makakatulong sa nasabing sektor at sa nation building.

“Tulong-tulong tayong abutin ang mapayapa at maunlad na Pilipinas”, iginiit pa ni Go.

 

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.