Dagdag-Sahod ng Public School Teachers tiniyak ni Pangulong Duterte

Muling siniguro ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dagdag sahod para sa mga guro ng pampublikong paaralan.

Ito ang inihayag ng Pangulo nang matanong ito sa kanyang pagdating sa Davao International Airport mula sa kanyang official visit sa Russia.

Ayon sa Pangulo, hindi man ito doble kagaya sa mga kapulisan at kasundaluhan, pero pinagsisikapan niya na may 35 porsiyento na dagdag sa kanilang kasalukuyang sahod.

Paliwanag ng Pangulo, hindi niya maibigay ang taas-sahod kagaya ng sa pulis at sundalo, dahil sa sobrang dami ng guro sa ilalim ng Department of Education (DepEd).

Hindi man nito maibigay ang eksaktong panahon kung kailan ito ibibigay, pero giit ni Pangulong Duterte na may pondo ng nakalaan para sa dagdag sweldo ng mga guro.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.