Dalawang matataas na lider ng NPA, Arestado sa lungsod Quezon

Naaresto sa pinagsanib na operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at AFP Intelligence units ang dalawang matataas na lider ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa lungsod Quezon kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar ang mga suspek na sina Julieta Gomez y Tawide alias Tina 39 na taong gulang, at Niezel Velasco y Duaso alias Mary Jane Velasco, 39 na taong gulang.

Ang dalawa ay naaresto sa bisa ng mga warrant para sa kasong murder at dalawang kaso ng attempted murder.

Si Gomez ang Secretary ng the Regional Urban Committee, Deputy Secretary ng Regional White Area Committee, miyembro ng Regional Tax Implementing Group, at miyembro ng North Eastern Mindanao, Regional Party Committee (NEMRPC) ng CPP-NPA habang si Velasco ay Regional Liason Officer ng NEMRPC.

Nakuha sa mga suspek ang samu’t saring matataas na kalibre ng armas, bala at pampasabog.

Maliban dito, nakuha rin sa kanila ang mga subersibong dokumento at watawat ng NPA.

Iniimbestigahan na kung saan dadalhin ang mga armas at ang lawak ng operasyon ng dalawa.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.