DAR, nag-alok na mamigay ng tig-3 ektaryang lupang sakahan sa mga fresh graduates ng kursong agrikultura

Mamimigay ng tig-tatlong ektaryang lupang sakahan ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa mga magtatapos ng agricultural courses.

Nais ng DAR na mabigyan sila ng magandang simulain at magamit ang kanilang propesyon sa kanilang bukirin.

Naniniwala si Agrarian Reform Secretary John Castriciones, na magbibigay din ng sigla ang insentibo para makamit ang food security ng bansa.

Ang alok para sa mga magtatapos ng kursong agrikultural ay inanunsyo ni Castriciones nang mamahagi ito ng Certificates of Land Ownership Award sa mga agraraian reform beneficiaries sa Barangay Bantay, Boac, Marinduque.

Layon din nito para mahimok ang mga kabataan na yakapin at mapalakas ang sektor ng pagsasaka.

Ipinakita sa pag-aaral na maraming kabataan ngayon ay mas gustong kumuha ng non-agricultural courses dahil sa paniwala na walang kasiyahan sa pagsasaka.

Pinangangambahan ng DA-Agricultural Training Institute na magkaroon ng kakulangan ng mga magsasaka ang bansa sa susunod na 15 taon kung magpapatuloy ang kalakaran.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.