Dating COMELEC Chair Brillantes, pumanaw na

Sumakabilang buhay na si dating Commission on Elections o COMELEC Chairperson Sixto Brillantes.

Ito ang kinumpirma ni Comelec spokesperson James Jimenez.

Nasawi si Brillantes kahapon ng 11:08 AM ng umaga.

Nauna nang napabalita na si Brillantes ay tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19).

Wala nang ibang ibinigay na detalye hinggil sa pagpanaw ni Brillantes.

Sa kabila nito, ay inaasahan namang maglalabas ang Comelec ng pormal na pahayag hinggil sa malungkot na balita.

Si brillantes ay umupo bilang Chairperson ng COMELEC noong January 2011 hanggang February 2015.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.