Dating Comelec chairman Brillantes kritikal sa COVID-19

Nanawagan ng dasal ang anak ni dating Commission on Elections (Comelec) chairman Sixto Brillantes Jr. dahil kasalukuyan ngayong naka-intubate ang kanyang ama matapos magpositibo sa COVID-19.

Binalita ito ni Zeena Brillantes sa Facebook post.

Ayon kay Zeena sa ulat ng ABS-CBN, na-admit ang ama niya sa Medical Center Manila noong July 18.

“All his preliminary testing showed signs of COVID Pneumonia hence he was already treated like as though he was positive. Last July 22, as expected, his swab results confirmed it,” aniya.

Nitong Sabado ng hapon umano na-intubate si Brillantes dahil sa hindi stable na oxygen level.

Hindi pa batid ng pamilya kung saan nahawa ng virus si Brillantes pero madalas daw itong nagpupunta sa opisina niya dalawang linggo bago maospital.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.