Dating Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo Jr., hinatulang guilty ng Sandiganbayan dahil sa kasong graft

Anim hanggang walong taong pagkakakulong ang hatol ng Sandiganbayan laban kay dating Davao del Norte Second District Representative Antonio Floirendo Jr.

Sa katatapos lamang na promulgation ng Sixth Division ng Sandiganbayan sa kasong katiwalian, na kinasasangkutan ni Floirendo, napatunayang guilty beyond reasonable doubt ang dating mambabatas.

May kinalaman ang kaso laban kay Floirendo sa pinasok na Joint Venture Agreement ng Tagum Agricultural Development Co. Inc. (TADECO) sa Bureau of Corrections (BuCor), para sa 3,000 hectares of lupain Davao Penal Colony.

Ang TADECO ay kumpanyang pagmamay-ari ng pamilya ni Floirendo.

Ayon sa Anti Graft Court, conflict of interest at tadtad ng anomalya ang pinasok na kasunduan, dahil nangyari ito sa panahon na siya ay nakaupong kongresista.

Batay sa hawak na rekord ng korte, nagkaroon ng renewal ang joint venture noong 2003, kung saan nakaupo rin siyang kongresista habang siya rin ang tumatayong vice chairperson ng TADECO.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.