Dating DFA Sec. Perfecto Yasay, inaresto ng PNP

Inaresto si dating Foreign Affairs Secretary at dating Securities and Exchange Commission Chairman Perfecto Yasay Jr., ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa kanyang bahay bitbit ang warrant of arrest  na inilabas laban sa kaniya ng Manila Regional Trial Court (MRTRC) Branch 10.

Sa kanyang Facebook account, sinabi ni Yasay na ang warrant of arrest ay may kaugnayan sa kasong kriminal laban sa mga opisyales ng nagsarang Banco Filipino dahil di umano sa mga pagmamalabis ng mga ito bilang bank officials mula 2003-2006.

Sinabi pa ni Yasay na hindi siya magpipiyansa, at mananatili siya sa kulungan, hanggang hindi niya nakakaharap ang hukom ng Branch 10 ng Manila Regional Trial Court na naglabas ng warrant, upang kuwestiyunin ang di umano’y kawalan ng katarungan sa pagkakasangkot niya sa kaso dahil pumasok siya sa Banco Filipino noon lamang 2009 o tatlong taon matapos ang mga di umano’y pagmamalabis ng mga opisyales ng bangko.

“To all my friends, allow me to inform you that I am now being arrested from my house by police officers of Manila on the basis of a warrant of arrest issued by the RTC of Manila Branch 10 for criminal charges that were alleged committed by officials of Banco Filipino from 2003 to 2006, clearly appearing on the face of the Information filed by the prosecutor, when in truth and in fact I joined the Bank only in 2009. I am not posting bail until I am brought before the judge where I will question this abuse of process and travesty of justice,” pahayag ni Yasay sa kanyang Facebook account. “Please include me in you prayers for my deliverance,” panawagan ni Yasay.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.