Dating DSWD Secretary Dinky Soliman, pumanaw na

Pumanaw na ang dating sekretarya ng Department of Social Welfare and Development na si Corazon Soliman o mas kilala sa tawag na ‘Dinky Soliman’ sa edad na 68.

Ito ang kinumpirma ni Vice President Leni Robredo ngayon lamang na umaga, Setyembre 19 sa kanyang weekly radio program.

“May napakalungkot na balita na natanggap na si former DSWD Secretary Dinky Soliman, namayapa na ngayong umaga,” malungkot na pagbabahagi ni Robredo.

“Nakakalungkot na balita ‘yung pagpanaw niya. Napakabuting tao,”dagdag pa niya.

Isa umano si Dinky sa tumulong sa pamilya ni Robredo noong panahon na nasawi ang asawa nito na si Jesse Robredo.

Matatandaang sa panunungkulan ni Soliman nagsimula ang National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR) na tumutukoy sa mga residenteng Pilipino na naghihirap o higit na nangangailangan ng tulong sa pamamagitan ng identification at verification.

Naghihintay pa ng karagdagang impormasyon sa sanhi ng kamatayan ni Soliman.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.