Dating general manager ng PNR, hinatulan ng Sandiganbayan na makulong

Aabot sa 8 hanggang 12 taon na pagkakulong ang sentensyang ipinataw ng Sandiganbayan laban sa dating general manager ng Philippine National Railways (PNR). 

Sa desisyon ng fourth division ng anti-graft court, guilty sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act si Manuel Dinamarca Andal matapos mapatunayang walang alinlangang nagkasala. 

Base sa isinumiteng kaso ng Ombudsman sa Sandiganbayan, pumasok umano sa isang kontrata si Andal sa Pandrol Korea and Nikka Trading noong ito ang general manager ng PNR. 

Lumalabas na disadvantageous umano ang naturang kasunduan dahil dehado ang pamahalaan ng Pilipinas matapos ang maanomalyang proyekto. 

Bukod sa pagkakakulong, ipinababalik din ng Sandiganbayan ang P86 million pesos na umanoy nawala sa pondo ng pamahalaan. 

Hindi na rin papayagan ng Sandiganbayan na makabalik sa government service si Andal habang binawi na rin ang lahat ng benepisyo na maaaring tanggapin nito. 

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.