Dating House Speaker Cayetano at mga kaalyado nito, bubuo ng ‘BTS sa Kongreso’

Bubuo ng bagong alyansa si dating House Speaker Alan Peter Cayetano sa Kongreso at tatawagin itong ‘BTS sa Kongreso’ mula sa isang sikat na K-pop group na BTS.

Kasama nito ang mga kaalyado niya sa Kamara tinanggalan ng posisyon ng liderato ni House Speaker Lord Allan Velasco.

Makakasama ni Cayetano sa grupo ng ‘BTS sa Kongreso’ sina Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, Laguna Rep. Dan Fernandez, Batangas Rep. Ranie Abu, Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor, Bulacan Rep. Jonathan Sy-Alvarado at Capiz Rep. Fred Castro,.

Mamayang tanghali ang first appearance ng grupo sa isang press conference.

Nauna nang sinabi ni Cayetano na ang kanilang grupo ay hindi magma-minority.

Kaanib pa rin daw ng majority ang kanilang grupo ngunit pupuna sa kakulangan ng mga ahensiya ng pamahalaan.

Giit ni Cayetano, magsisilbi silang ‘conscience voice” sa Kongreso na magpapa-alala sa mga programa ng administrasyon.

Party blocs sa Kamara, suportado ang pagsusulong ng economic Cha-Cha

Samantala, nagkaroon naman ng hybrid caucus kahapon ang mga kongresista sa pangunguna ni Speaker Velasco.

Ito ay upang talakayin ang mga hakbang sa pagsisimula ng pagdinig ngayong araw sa Kamara hinggil sa Charter Change.

Dinaluhan ito ng lahat ng political bloc sa Kamara.

Ayon kay Deputy Speaker Bernadette Herrera Dy, malakas ang suporta ng lahat ng partido sa Kamara sa nais na pagbabago ni Speaker Velasco sa konstitusyon.

“There is a strong and united consensus among political leaders in the House to back Speaker Velasco’s initiative towards liberalizing the economic provisions in the Constitution,” ayon kay Herrera Dy.

Kabilang sa mga present sa virtual caucus ay ang mga miyembro ng PDP-Laban, Nationalist People’s Coalition, Nacionalista Party, National Unity Party, Lakas-Christian Muslim Democrats, Liberal Party, Hugpong ng Pagbabago at ang Party-list Coalition Foundation Inc.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.