Dating Magdalo Rep Gary Alejano, humiling ng restraining order sa CA para pigilan ang DOJ sedition probe

Humiling ng restraining order si dating Magdalo Representative Gary Alejano at ilang Party-List member sa Court of Appeals (CA) para pigilan ang Department of Justice (DOJ) sa pagdinig sa tsedition complaint na isinampa laban sa kanya, kay Vice President Leni Robredo, at ilan pang opposition figures.

Sa argumento nina Alejano at ni Jonnell Sangalang sa isinampang temporary restraining order laban sa pagdinig, sinabi nila na ‘void’ ang utos ni Justice Secretary Menardo Guevarra na pagbuo ng panel of investigating prosecutors dahil ang secretary ay “not authorized by law to act directly on complaints that do not involve national security or probable miscarriage of justice by the prosecution staff, regional, provincial, and city prosecutors.”

Dahil nga sa “void” ang department order, ang panel ay “bereft of any jurisdiction and authority to conduct the preliminary investigation.”

Ito rin ang kaparehong argumento ng ilang respondents sa kaso, kasama ang ilang abugado mula sa Free Legal Assistance Group, nang kuwestyunin nila ang otoridad ng panel sa pag-uumpisa pa lang ng preliminary investigation.

Sa ngayon ay inaasahan nang madedesiyunan ng panel ang preliminary investigation at malalaman na kung iaakyat ba ang kaso sa korte.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.