Dating miyembro ng SexBomb dancers, arestado sa buy bust operation.

Arestado ang isa umanong dating miyembro ng grupong Sexbomb sa ikinasang buy-bust operation sa Trece Martires sa Cavite nitong Lunes.

Nagpakilala bilang dating miyembro ng grupong Sexbomb ang suspek na kinilalang si Ivy Eboña na mariin namang itinanggi ng mga lehitimong miyembro ng grupo.

Ayon kay Senior Superintendent William Segun, hepe ng Cavite police, matagal na raw nilang binabantayan ang suspek.

Kaya hindi mahuli-huli, istilo raw ni Eboña ang pagkuha ng mga bayad sa droga sa mga money remittance center.

Narekober sa supek ang drogang nagkakahalaga ng nasa P10,000.

Base sa imbestigasyon, noong 2017 nang maaresto ang mister ng suspek na si Sean Eboña kaya si Ivy raw ang nagpatuloy sa pagbebenta ng droga.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang natimbog na suspek.

 

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.