Dating NBI Director Atty. Dante Gierran, itinalaga bilang bagong pinuno ng PhilHealth

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si
dating NBI Director Dante Gierran bilang bagong Presidente at Chief Executive Officer ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Ito ang kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ngayong gabi, kasunod na rin ito ng pagbibitiw sa pwesto ni General Ricardo Morales dahil sa kaniyang health condition.

Matatandaan na Pebrero ngayong taon nang bumaba sa pwesto si Gierran bilang direktor ng National Bureau of Investigation (NBI).

Si Atty. Gierra ay isa ring certified public accountant.

Samantala, ayon naman kay Senator Christopher Go, dumalo sa pulong ngayong gabi ng IATF at ni Pangulong Duterte si Atty. Gierran.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.