Dating-PCGG chairman, inaresto ng NBI dahil sa kasong graft

Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation o NBI ang dating Presidential Commission on Good Government (PCGG) Chairman kaugnay sa nakabinbin nitong kaso sa korte.

Ayon sa NBI, si Atty. Camilo L. Sabio ay naaresto sa kaniyang bahay sa Quezon City ng mga ahente ng Technical Intelligence Division ng ahensya (NBI-TID) sa bisa ng Bench Warrant of Arrest na inisyu ng Fourth Division ng Sandiganbayan.

“The Warrant orders the law enforcement agency to arrest the person of Camilo L. Sabio who may be found at 48-B Biak na Bato street, Sta. Mesa Heights, Quezon City and bring him before this Court to be dealt with as the law and Rules of Court direct,” ayon sa NBI.

Matapos sumailalim sa booking procedures sa NBI, dinala si Sabilo sa Sandiganbayan.

Gayunman dahil sarado pa ang Sandiganbayan bunsod ng ginagawang sanitasyon sa lugar, bunsod ng COVID-19 muling ibinalik si Sabio sa NBI detention center.

Si Sabio na 83 anyos ay nagsilbing chair ng PCGG noong 2005 hanggang 2010 kung saan may mga kinakaharap na graft charges sa Sandiganbayan sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act na umano’y nangyari sa kaniyang panunungkulan sa PCGG.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.