Dating SC Justice Carpio, Morales, UP law profs nagpetisyon vs. Anti-terror law: itigil, unconstitutional

Kinuwestiyon nila Retired Supreme Court (SC) justice Antonio Carpio, dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales, at law professors sa University of the Philippines ang Anti-Terrorism Act of 2020 (ATA) sa Korte Suprema.

Sa ika-11 petisyon laban sa kontrobersyal na batas, hinimok nila Carpio, Morales, at ng iba pang petitioner ang korte na ideklara ang batas, o ilang probisyon, na null at void para sa pagiging unconstitutional.

Pinakiusapan din nila ang Korte Suprema na maglabas ng temporary restraining order laban sa batas at magsagawa ng oral arguments sa kaso.

Ayon sa mga ito, ang batas ay “unconstitutional as written” at “mired by vagueness and overbreadth that repress protected speech, justifying its facial invalidation.”

Dagdag pa nito, binibigyan ng kapangyarihan ang Anti-Terrorism Council nang mas malaking kapangyarihan kumpara sa ibinibigay ng Konstitusyon sa Pangulo sa panahon ng pananakoop at rebelyon.

“…The key provisions that animate the ATA — primarily the definitions of terrorism and its variants — are so hopelessly burdened by unconstitutionality. As they deserve to be expunged, the ATA will be left with nothing to sustain its existence,” ayon sa 86 pahinang petisyon nito.

Bago ito maisabatas, nagbabala si Carpio na maglalagay ito sa mas malalang sitwasyon kumpara sa martial law.

Kabilang ang mga abogado, mambabatas, human rights advocates, at labor rights groups sa mga nasa likod ng unang 10 petisyon laban sa anti-terrorism law.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.