Dating Sen. Enrile, iimbitahan ni PRRD sa Malacañang upang talakayin ang WPS

Inimbitahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si dating Senator Juan Ponce Enrile, sa Malacañang upang talakayin ang usapin sa West Philippine Sea (WPS).

Paliwanag ng Pangulo, si Senator Enrile ang higit na nakakaalam sa usaping ito, lalo at nandyan na siya simula pa lamang ng pag usbong ng tensyon sa mga pinag-aagawang tetitoryo, kaya marapat lang na sa dating senator makinig pagdating sa usaping ito.

Umaasa si Pangulong Duterte, na pauunlakan ng dating senator ang kanyang imbitasyon lalo at mataas aniya ang respeto niya dito.

Ayon kay Pangulong Duterte, bilib siya sa utak, at pag intindi ni Enrile sa usapin sa WPS.

“Pakinggan natin sya, hindi na ako magsalita, makikinig lang ako sa kanya kasi siya yung, he was there right at the beginning, so sa kanya ako makinig, kasi sa kanya ako bilib sa utak at pagintindi nitong problema, itong ating West Philippine Sea.” —Pangulong Duterte.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.