Dating Sen Trillanes, may panibagong reklamo at isasampang kaso sa CIDG

Inireklamo ng consumer advocate na si Perfecto Tagalog sa tanggapan ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Major Crimes Unit sa Kampo Crame kahapon si dating Senador Antonio Trillanes IV.

Ito ay sa umano’y tangkang paninira kay Davao Representative Paolo “Pulong” Duterte, noong siya ay bise alkalde ng Davao.

Ayon kay Tagalog, si Trillanes umano ang nag-utos sa kanya na idiin si Rep. Pulong Duterte sa kalakalan ng iligal na droga sa bansa, kapalit ng hindi tinukoy na halaga noong 2016.

Kasama ni Tagalog na naghain ng kanyang sinumpaang salaysay si Atty. Lorenzo Larry Gadon, na counsel din ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy.

Dahil dito, sinabi naman ni Gadon, na ipinauubaya na nila sa CIDG ang pagtukoy sa kung anong kaso ang isasampa laban kay Trillanes na nakadepende sa mga isinumite naman nilang ebidensya.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.