Davao City, ideneklarang Cacao Capital of the Philippines – DAR

Pagkatapos ng ilang taong pagsusulong sa cacao industry, idineklara ng Department of Agriculture (DA) ang Davao City bilang Cacao Capital of the Philippines, kung saan mismong si Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang tumanggap ng recognition mula kay DA Secretary William Dar sa isang virtual event kahapon ng hapon.

Sa acceptance message ng alkalde, pinasalamatan nito ang lahat ng Davao cacao industry players sa karangalang hatid nito sa Davao City, na dahil sa kanilang pagsisikap, nakilala ang Davao City na isa sa mga may dekalidad na cacao sa buong mundo, kaya dumadami ang mga Pinoy at foreign chocolate makers na kumukuha ng cacao beans sa lungsod.

Mula taong 2015 hanggang 2019, nakapag-produce ang lungsod ng 2,289 na metric tons ng cacao, dahilan ng pagkilala sa Davao City bilang pinakamalaking cacao producing area sa buong bansa.

Maliban sa deklarasyon, kinilala rin ng Department of Agriculture ang Davao City bilang regional winner sa Organic Program sa ilalim ng local government category

Ayon kay Mayor Inday Sara, ang naturang mga rekognisyon ay tinuturing niyang inspirasyon para mas lalo pang magsumikap upang mas mapalago ang industriya ng agrikultura ng lungsod.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.