Davao City Mayor Inday Sara Duterte, naging emosyonal sa kanyang State of the City Address

Hindi naiwasang maging emosyonal ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte sa kanyang State of the City Address.

 

Davao City Mayor Inday Sara Z. Duterte-Carpio delivers her 2nd State of the City Address (SOCA) before the 18th Council of the City of Davao in its 37th Regular Session at the Sangguniang Panlungsod Building in Davao City on October 2, 2018.

Sa kanyang talumpati, una nitong sinabi ang mga challenges na naranasan ng mga Dabawenyo ngunit sa harap nito ay nanatili pa rin na matatag ang lungsod, gaya nga ng paalala niya sa bawat isa ‘to stand tall, proud and resilient’.

Davao City Mayor Inday Sara Duterte1

Sa kabuuang talumpati ng alkalde, almost 100% sa mga tinalakay nito ay tungkol sa mga proyekto na natapos at patapos na.

Binigyang-diin nito ang mga programa at proyekto ng lokal na pamahalaan patungo sa kaunlaran.

top priority

Binida rin ni Mayor Inday ang Byaheng DO30 na naka-focus sa kanyang 10 Priority Agenda lalo na sa ekonomiya, edukasyon, kalusugan, employment, infrastructure projects, solid waste management, investment and tourism, planning and traffic management, disaster risk reduction, at peace and order.

Sa kalagitnaan ng kanyang isang oras at 40-minutong talumpati ay napatigil at naging emosyonal ang alkalde lalo na ng balikan nito ang malalaking trahedya na naranasan ng lungsod.

NCCC Mall

Depressed at challenged umano siya sa unang termino niya bilang mayor ng Davao kung saan nangyari ang malaking baha na kumitil ng mahigit 30 indibidwal, nasuntok pa nito ang isang sheriff sa nangyaring demolisyon sa Agdao nitong lungsod.

Inalala rin nito ang malaking sunog sa NCCC Mall kung saan 37 naman ang namatay, pambobomba sa Roxas Night Market at baha.

inday sara1

Sa harap ng lahat ng ito, pinasalamatan niya ang lahat ng mga department heads at mga Dabawenyo na naging kaagapay sa muling pagbangon ng lahat para sa pag-unlad.

reaksyon ng mga netizens kay Mayor Sara Duterte:

1

Source: Facebook

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.