Davao City Mayor Sara Duterte, muling nanguna sa isa pang presidential at vice presidential survey

Muling nakuha ni Davao City Mayor Sara Duterte ang mataas na pwesto sa isa pang presidential at vice presidential survey, sa mga pangalan na posibleng kumandidato sa election 2022.

Sa 2020 Pahayag Year End Survey ng Publicus Asia Inc., na ginawa noong December 3-9, 2020, para sa 1,500 respondents, si Mayor Inday ang mas nanaisin ng mga respondent na sumunod na mamuno sa bansa sa 2022.

Nakuha ng alkalde ang 14.6 percent na sinundan ni dating Senator Ferdinand Bongbong Marcos na mayroong 14.5 percent.

Nasa ikatlong pwesto si Manila Mayor Isko Moreno na may 12.7 percent, habang pang-apat si Vice President Leni Robredo na may 10 percent.

Panglima si Senator Manny Pacquiao, na may 9.3 percent, sumunod si Sen. Grace Poe na nakakuha ng 7.9 percent, Senate President Vicente Sotto III na 7.7 percent, at Sen. Bong Go na may 5.4 percent.

Si Mayor Sara Duterte din ang nanguna sa vice presidential survey kung saan nakakuha siya ng 16.7 percent, na sinundan ni Manila Mayor Isko Moreno na 15.8 percent, Sen. Grace Poe na nakakuha ng 10.5 percent, Sen. Manny Pacquiao 10.3 percent, Sen. Bong Go 9.7 percent, at Senate President Vicente Sotto III na 8.7 percent.

Matatandaang si Mayor Sara Duterte din ang nanguna sa presidential survey, habang pumangalawa siya sa vice presidential survey ng Pulse Asia Inc.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.