Davao City Mayor Sara Duterte, nilinaw na di “anti-poor” ang Stay Home campaign ng lungsod

Nilinaw ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte na di lamang target ng “Stay Home” campaign ang mga mahihirap na mga Dabawenyo, kung hindi ito ay para sa lahat upang maging ligtas sa COVID-19.

Ito ang sagot ng alkalde sa batikos ng ilang netizen, na nagsasabing “anti-poor” ang nasabing kampanya, dahil ilan umano sa kanila ay di na nakakapaghanap-buhay dahil di na sila pinapalabas ng bahay.

Binigyang diin ng alkalde, na ang “Stay Home” campaign ay naglalayong maiwasan ang mga non-essential travel upang makaiwas sa pagkahawa ng COVID-19, kung saan ito ay batay sa Inter-Agency Task Force (IATF) guidelines sa ilalim ng general community quarantine.

Ibig sabihin, maaari pa ring lumabas ang mga tao para sa mga importanteng bagay kagaya ng trabaho o paghahanap-buhay, at pag-access ng essential goods and services tulad ng pagkain at gamot.

Sa mensahe ng alkalde ngayong pasko, sinabi nitong mas magiging makabuluhan ang selebrasyon kung kumpleto at malusog ang pamilya ngayong panahon ng pandemya.

Upang makamit ito, kailangang makipagtulungan ang lahat sa laban kontra COVID-19 sa pamamagitan ng pagsunod sa mga health protocol, kung saan kabilang dito ang pagpapanatili sa loob ng bahay kung wala namang importanteng sadya sa labas.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.