Davao City Mayor Sara Duterte, tatakbo sa 2022 election – Rep. Joey Salceda

Nagpahayag ng suporta ang beteranong mambabatas at ekonomista na si Albay Rep. Joey Salceda kay Davao City Mayor Inday Sara Duterte bilang susunod na pangulo ng bansa.

Ayon kay Salceda, nakatrabaho na niya ang nakababatang Duterte sa local level noong gobernador ito ng Albay at napahanga ito sa trabaho ng local chief executive.

Kung pagbabatayan raw kasi ang track record ng alkalde, makikita na marunong ito sa paggamit ng pondo o resources.

Sinabi ni Salceda na pro-poor si Sara matapos kampihan ang mga residente na-idedemolish sa Davao noong 2011 kung saan sinuntok nito ang sheriff na nagsilbi ng demolition order sa isang barangay sa siyudad.

Economic Thinker rin aniya si Mayor Inday dahil sa karanasan nitong humawak ng posisyon Regional Development Council o RDC ng Davao Region.

Ayon kay Salceda, nang manungkulan si Mayor Inday bilang RDC Chairman noong 2012, tumaas ang Gross Domestic Product o GDP ng Davao mula 3.7% papuntang 7.4%.

Diin rin ng ekonomistang mambabatas na nakikinig sa payo ang nakababatang Duterte na isang mainam na katangian ng susunod na pangulo ng bansa.

At higit sa lahat, maipagpapatuloy nito ang economic policies na nasimulan ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Nito namang linggo, May 23 ay ipinakita ni Salceda ang palitan nila ng mensahe ni Mayor Inday.

Para kay Salceda, malinaw na may intensyon ang nakababatang Duterte sa susunod na taon.

Pero hindi nabanggit sa usapan ng dalawa kung anong pwesto ang tatakbuhan ni Mayor Inday pero malinaw para kay Salceda ang intensyon ng nakababatang Duterte sa susunod na botohan.

Nagpahayag naman ng papasalamat si Mayor Inday sa suporta ni Salceda sa kaniya at nangako naman ng buong suporta si Salceda kapag nagdeklara na itong tumakbo sa eleksyon.

“I look forward to continuing my exchanges with Mayor Sara on how to improve the socioeconomic conditions of our people. It is her final decision to make, but I am now certain she intends [to] run. When she does, she can count on my full support,” saad ni Salceda.

Samantala, inilunsad naman sa Metro Manila ang “Duterte Parin Movement.”

Isinusulong ng kilusan ang paghimok kay Mayor Inday sa pagka-pangulo sa darating na 2022 national elections.

Nais ng kilusan na ipagpatuloy ng Presidential daughter ang magandang legasiya ng kanyang ama na si Pangulong Digong.

Nauna nang sinabi ng executive Pastor ng The Kingdom of Jesus Christ na si Mayor Inday ang next anointed President ng bansa.

Nagpasalamat naman ang Mayora sa suporta ng butihing Pastor at pagtitiwala sa kanyang kakayahan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.