Davao City Mayor Sara, magpaparinig ng kanyang State of the City Address ngayong Oct. 14

Ipaparinig ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang kaniyang ika-pitong State of the City Address (SOCA) Lunes, October 14.

Ayon sa City Information Office, ang Presidential Daughter ay magbibigay ng kaniyang SOCA sa ikalawa ng hapon sa Sangguniang Panlungsod.

Ang SOCA ng alkalde ay magha-highlight sa kaniyang bagong top 10 development priorities para sa siyudad na kinabibilangan ng education, health, poverty alleviation and different services, infrastructure development, solid waste management and environment, agriculture, investments and tourism, transportation planning and traffic management, disaster risk reduction, at peace and order.

Ilang araw bago ang taunang SOCA ng mayor, ang mga Dabawenyo na nasa gobyerno at pribadong sector ay meron nang inaasahan sa mga tutumbukin sa kaniyang talumpati.

Si Davao City Councilor Mary Joselle Villafuerte ay nagsabi na inaasahan niyang ipagpapatuloy ng alkalde ang pokus nito sa reproductive health at education sa pamamagitan ng “PagBaBAGo Project”.

Ayon kay Villafuerte sabik na siya sa plano ng alkalde kaugnay sa final na pagpapatupad ng Mental Health Code of Davao City sa pamamagitan ng pagtatatag ng Mental Wellness Center. Nakuha na kasi ni mayor sara ang pondong P24-million para sa nasabing sentro.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.