Davao City Mayor Sara sa COMELEC at Smartmatic, “be faithful”

watch the video here:

May panawagan si Presidential daughter at Davao city Mayor Sara Duterte-Carpio sa Commission on Elections (Comelec) at Smartmatic.

Apela ng Alkalde sa dalawa, maging tapat sa gitna ng kakaharapin ng mga itong responsibilidad sa sandaling magsimula na ang bilangan.

Sa terminong ginamit nga ni Mayor Sara, na ipinatungkol sa Smartmatic at COMELEC, “be faithful” sa kanilang gagawing pagbilang ng mga boto.

Bago mag-alas-nuwebe ng umaga ay nakaboto na ang Presidential daughter sa Daniel R. Aguinaldo National High School sa lungsod ng Davao.

Hinikayat din nito ang mga botante, na lumabas ng kanilang mga tahanan at gamitin ang kanilang karapatang humatol ng indibidwal na sa tingin nila ay dapat na mamuno sa bayan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.