Davao City, planong maging “smartest at safest city” sa buong bansa

Plano ng lokal na pamahalaan na maging pinaka-unang “smartest at safest city” sa buong bansa sa pamamagitan ng pag-upgrade ng Intelligent Transport Management System (ITMS) at Intelligent Operation Center (IOC).

Ayon kay Rowena Dominguez-Narajos, Smart City Officer, ang pag-upgrade ng ITMS at IOC ay magiging daan para sa systematic at technology driven traffic, safety at security monitoring at management sa lungsod.

Sa pamamagitan umano ng pag-upgrade sa Public Safety and Security Command Center (PSSCC) ay magiging huwaran ang lungsod na maging smartest and safest city sa tulong ng bagong teknolohiya.

Sinabi rin ni Narajos na ang pagpapatupad ng High Priority Bus System (HPBS), ay isang paraan upang mai-upgrade din ang traffic signalization at traffic management center.

Dagdag pa nito, ang Smart City ay gaya sa mga nakikita sa pelikula kung saan ay may malaking papel ang mga teknolohiya sa pagpapatakbo ng isang lungsod.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.