De Lima at Mar Roxas, sesentensyahan ng Ombudsman sa sablay na GCTA IRR Law

Nakasalalay sa magiging paliwanag nina Senadora Leila de Lima at dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas sa Ombudsman kung mapapanagot o hindi sa sablay na implementing rules and regulations (IRR) ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

Inihayag ito ng Malacañang sa harap na rin ng kagustuhan ng ilang grupo na habulin at panagutin sina de Lima at Roxas dahil sa palpak na IRR ng nabanggit na batas.

Dahil sa sinusunod na IRR na ginawa ni de Lima at nilabas naman noon ni Roxas ay napalaya ang mga presong hindi dapat mapalaya lalo na ang mga nakagawa ng karumal-dumal na krimen.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nasa Ombudsman na ang bola kung ano ang gagawing aksiyon laban kina de Lima at Roxas sa sandaling makapagpaliwanag na ang mga ito.

“Kaya sila pinagpapaliwanag ng Ombudsman para malaman ang kanilang dahilan,” ani Panelo.

Nag-ugat aniya ang gulo sa GCTA dahil sa sablay na IRR ng dalawang dating opisyal.

“Ang puno’t dulo ng gulo ay dahil isinama sa IRR ang pagpapalaya sa mga presong nakagawa ng heinous crimes gayong hindi ito dapat kasama sa Republic Act no. 10592,” dagdag pa ni Panelo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.