De Lima binuweltahan si Gordon sa GCTA issue: ‘It’s the law, not the IRR’

Sinupalpal ni Senator Leila De Lima ang umanoy paggamit sa kanya bilang ‘escape goat’ sa Good Conduct Time Allowance controversy.

Binuweltahan ni De Lima si Senator Richard Gordon, chairman ng Senate Committee on Blue Ribbon na nagsasagawa ng pagdinig sa GCTA law, nang sabihin niya na “the IRR was written to achieve corrupt ends.”

“The IRR reflected the letters of the law. Any problem they have as a result of the implementation of R.A. No. 10592 lies with the law, not the IRR,” tugon ni De Lima sa isang statement.

Sa Senate hearing kahapon, Huwebes, sinabi ni Gordon na pumasok ang GCTA sa kalagitnaan ng termino ni De Lima bilang Justice Secretary

“Tandaan niyo yung GCTA pumasok in the middle of the term of De Lima as secretary of justice, when she was already accepting money kuno from these people,” ani Gordon.

“Nung nilinis niya ang kubol… nakita niya madali pala kumuha ng pera sa mga preso na ito, mas malaki makukuha natin kung i-offer mo ang GCTA. Iyan haka-haka ko lang ‘yun pero the point is sino ang gumawa ng IRR? Sila rin.”

Niresbakan rin ni De Lima si Lacson dahil sa umanoy “primarily leading questions” kay Ragos at Ablen. Ibinase ni Lacson ang tanong niya sa affidavit ng dalawa.

Dinepensahan naman ni Minority Senator Francis Pangilinan ang senadora at sinabing ginagamit si De Lima bilang scapegoat sa GCTA mess.

“Paano nalihis ang usapin mula kay Faeldon at napunta kay Senator de Lima? Hindi kapani-paniwala ang pag-ugnay kay Sen. Leila sa kalokokohan at korupsyon ng BuCor sa ilalim ng pamumuno ni Faeldon,” ani Pangilinan sa isang statement.

“Also, it goes against all sense of fair play to drag the name of the already incarcerated Senator Leila de Lima to muddle the scandal involving Bilibid officials caught ordering the release of rich convicted criminals, contrary to the law that is meant to give justice to poor, powerless detainees who should rightfully be released for good behavior.”

Sinabi rin ni Pangilinan na dapat payagan si De Lima, “defend herself in the Senate hearing that is using her as scapegoat in the scandal that has blown up in their face,” na ngayon ay nakakulong.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.