December deadline na ibinigay ni Pangulong Duterte para mapaganda ang serbisyo ng telcos -Palasyo

Wala pang mailalabas na grado ang National Telecommunications Commission (NTC) para sa performance ng dalawang higanteng telcos na una nang binigyan ng ultimatum ni Pangulong Rodrigo Duterte para pagandahin ang serbisyo ng mga ito hanggang ngayong Disyembre.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hanggang ngayong katapusan ng taong ito nagbigay ang NTC bago sila magsagawa ng evaluation sa telecommunications companies.

Ngayon lang naman daw kasi nakapag-isyu para sa may 5,000 tower permits na inire-release ng mga nasa lokal na pamahalaan.

Kaya pahayag ni Roque, hayaang mabigyan ang mga telcos ng panahon para maitayo ang kanilang mga tower at mula doon ay tsaka ma-evaluate ang kanilang serbisyo.

Nitong kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) binalaan ng Pangulo ang Smart at Globe Telecoms na ite-take over ng gobyerno ang mga ito kung wala pa ding makikitang improvement sa kanilang serbisyo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.