Del Rosario sa mga Pinoy: Iboto ang mabuti para sa Pinas, ‘di sa China

Hinikayat ni Former Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario ang mga Filipino na iboto ang mga kandidatong mabuti para sa Pilipinas at hindi sa China sa darating na botohan sa 2022.

“For this coming election, our humble view is our people should vote for the candidate who is good for our country, and not one who is good for China,” saad ni Del Rosario.

Ito ay sa gitna ng patuloy na alitan ni Pangulong Rodrigo Duterte at mismong si del Rosario.

Maaalalang kamakailan nga lamang, muling nagkaroon ng pahaging ang dalawa tungkol sa usapin ng botohan.

“‘Pag nasilip ko lang, I will charge you. Marami akong idedemanda sa’yo… Kung at war lang tayo sana, you are guilty of treason,” lahad ni Pangulong Duterte.

“Daldal ka nang daldal diyan. Anong China magtulong sa akin? G-go ka. Saan mo nakuha ‘yan?” saad pa ng Pangulo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.