Department of OFW, target na matapos sa pagbubukas ng 3rd Session ng 18th Congress

Tinatarget ngayon ng Senado na matapos sa lalong madaling panahon ang mga panukalang Trade Liberalization Act, Foreign Investment Act, Public Services Act at iba pa sa pagbubukas ng 3rd and final session ng Senado sa ika-26 ng Hulyo.

Ito ang inihayag ni Senate Majority Floor Leader Senator Juan Miguel Zubiri sa panayam ng Laging Handa public briefing.

“’Yung Foreign Investment Act at Public Services Act, at ‘yan ay matatapos namin by next month. ‘yan ang pangako namin sa pangulo nang bumisita kami sa Malacañang for the bills signed into law”, ani Zubiri

Bukod pa rito, inihayag ni Senator Zubiri na mayroon pa silang mga pangako kay Pangulong Duterte na sa buwan ng Agosto matatapos na rin na pag-usapan ang Department of Overseas Filipino Workers.

Sinabi rin ng senador na may mga isinusulong din na pet bills ang ilang mga senador gaya ng Solo Parent and Children Act, Postponement of the Bangsamoro Organic Regular Elections at pagtaas ng statutory rape age mula 12 hanggang 16 years old.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.